Apr 10, 2013

happy birthday mo na anak! :)

This gift is so ready to be opened by the birthday girl who turns 5 today. Last year, I blogged about me giving birth and how my 4 years was with my little girl. Last month, I made another post about how she grows up so fast and her, graduating from day care.

Indeed, time flies by so fast! Another post for the one  who makes and helps me be a better person.

Makulit man, e ganun talaga ang mga bata. Funny nga kase mga traits namin ni lakay, nakikinita ko na sa batang ito. Natatawa na lang ako pag nakikita ko yung mga manerisms ko sa kanya.  Sino ba namang ina ang hindi proud sa anak diba? Grateful ako kasi hinahayaan lang ako ng mga in-laws at magulang ko pagdating sa pagpapalaki at pag di-disiplina. May suggestions namana galing sa kanila at usually, nagkakatugma sa way ko ng pag di-disiplina. When it comes naman sa disiplina, wala ako masyadong effort kasi mukang nakuha niya ang pagka tahimik gaya ng dad niya. Sa school nga niya, Most Simple ang nabigay na award. Wala akong worry kase behave talaga although may sumpong at times, bata e. Ang dame ko pang kwento about sa lumalaki ko ng anak, sa ngayon, susulitin ko ang bawat pagkakataon na makitang nanood ng cartoons, request ng candy at ice cream everyday, kumakanta ng imbentong lyrics, magpabili ng bubbles-bubbles, sumayaw bawat rinig ng gangnam style, maglaro sa nickjr.,at magpabili ng mamisong chitchirya. Pagdating ng araw, may crush na ang anak ko at yun na malamang ang kwento ko.

I am so blessed ang grateful and happy.
Salamat po sa limang taon. Salamat sa batang ito, natututo akong muling maging bata kasi sinasali niya ako lagi sa laro nila kasama si panda at baby bear. Mahal ka namin ni daddy anak alam mo yan. Happy Birthday! :)

Ayun, ang kyut o. ;)